4/14/07

second day @ ABS-CBN

dumating ang ikalawang araw. napag-usapan namin na kung sino ang hindi darating sa oras, siya ang manlilibre. alas-otso ang usapan, dumating ako sa meeting place namin (mcdo quezon ave) ng 7:15am. maaga pa kaya kumain muna ako ng breakfast. sumunod na dumating si lois, 7:30am sya dumating, kumain din muna sya kasi hindi pa sya kumakain ng breakfast. sumunod na dumating si ron, muntik na sya di umabot sa tinakdang oras. 7:58am sya dumating. pagkadating nya ay napag-usapan namin ung "deal". naisip namin na manlilibre si djoh, dahil sya na lang ang wala, 8:30am na nung dumating sya. pero, sa kasamaang palad, hindi sya nanlibre, sayang naman. hehe...

pumunta na kami sa ABS-CBN, ngayong araw na ito, puro mga reporter ang nakita namin. sila ay sina bernadette sembrano, kuya kim, ogie diaz at alex santos. pagdating namin sa HR department, medyo naghintay kami ng matagal, at sinabi sa amin na pwede na kami magsimula. 30mins na paghihintay para lang sabihin na pwede kami magsimula. kamusta naman yun???

dumating kami sa IT department, maayos naman dun. masarap ang buhay, malamig. hehehe. nung una, nakatambay lang kami dun. pero nung after lunch break, may binigay sa amin na task. ung sa akin, nag-eencode ako. kaya lang madami yun at kailangan ng maraming oras para matapos yun, pero kakayanin ko yun. may mga pinagawa din sa mga kasama ko pero hindi ko na natanong kung anu-ano yun

4/12/07

first day high!!!

first day high talaga ang araw na 'to para sa akin. hehehe...

nag-umpisa ang aking 'extra-ordinary' na araw sa uste. pumunta ako sa office of student affairs o mas kilala sa tawag na "OSA". kinuha ko yung good moral ko at nung mga kasama ko sa OJT. nung nasa OSA na ako, tinanong ko sa mga 'alagad' ng OSA kung nandun na yung good moral namin, hinanap nila ito, at hinanap pa, at hinanap pa ulit, ngunit nabigo ang mga ito na makita ang aming good moral. tinanong na nila ung 'pinuno' ng OSA, at ang sabi ay nandun na yun. hinanap muli nila ito at sa wakas, nakita nila ung good moral! at ako ay nagbunyi dahil sa wakas, nakita nila ito sa loob ng 30minutes. kamusta naman yun??? hahaha...

pagkatapos ng pakikipagsapalaran ko sa OSA, nakipagkita naman ako sa kasamahan ko sa OJT na itago na lang natin sa pangalang "djoh". as usual, na late siya sa usapan, kasi sabi nya 10:30am kami magkikita pero hindi sya dumating sa tamang oras. hehehe ^_^ ganun pa man ay nagkita kami sa may main building. pumunta muna kami sa main building dahil may aasikasuhin siya, certificate of attendance o "COA" ang pakay nya sa main building. sinamahan ko muna siya at pagkaraan ng isang oras, ay nakuha niya ito.

habang kami ay naglalakad, nagtext sa akin ang isa ko pang kasamahan sa OJT na nagngangalang "ron". tinanong nya kung pwede na siya umalis ng bahay nila, ang sabi ko ay kumain muna siya ng tanghalian sa bahay nila para makatipid siya at siya ay pumayag sa aking suhestiyon. kumain muna kami ng tanghalian ni djoh sa cely's canteen. habang kumakaen, napansin nya na mali yung pangalan niya sa good moral. "dyohar" ang nakalagay dito, sabi nya "malinaw naman ung djohar ah, tinama nya pa ata yung pangalan ko". pero ayos na daw yun ayon sa kanya. bago matapos sa pagkain, tinext ko ang isa pa sa mga kasamahan ko sa OJT na si "lois", sinabi ko na pupuntahan namin sya sa main building para iabot sa kanya ang kanyang good moral at yung copy of grades. magbabayad kasi si lois ng tuition. nung pagpunta namin dun ay nakita namin yung blockmate namin na si "miggy". tinanong nya kung san ako pupunta at sinabi ko na pupunta ako sa ABS-CBN para magpasa ng requirements, nagtinginan yung mga tao sa akin, at nag-usap pa kami ng saglit hanggang sa sinabi ko na aalis na ako...

nung nasa mcdo quezon avenue na kami ni djoh, nagtext sa akin si lois, tinanong nya kung nasa ABS-CBN pa kami, pupunta din daw sya. di ako makapaniwala na nakapg-enroll na siya, ang bilis huh. ala pa 1hour. kaya pala siya naging mabilis kasi di pa pala naencode yung mga ibang nakapila, hahaha. kasi naman, nagmamadali, ayaw dumaan sa tamang proseso. at ayun, pumunta sya. dumating si ron at si lois. naglakad lang kami papunta sa ABS-CBN, sinubukan namin kung pwede...

nung nasa ABS-CBN na kami, grabe ang dami naming nakitang artista. hahaha. una naming nakita si "kim chiu", medyo nagulat ako ng una pero ayun, nakita namin. matangkad pala siya, pero mas matangkad ako ng konti sa kanya. pumunta na kami sa HR department para magpass ng requirements. pagdating namin dun, sinabi na may kulang pa sa requirements, kuhanin daw namin yung medical certificate sa ELJ building. kaya ayun, pumunta kami. sa pagpunta namin dun, nakita namin si "mitch" yung dating housemate sa celebrity edition ng pinoy big brother. nung nasa ELJ building na kami, nalaman namin na wala pala dun yun medical certifacate namin ni djoh, samantalang nandun yung kay lois at ron. sinabi samin na icheck sa HR kung andun na xa. kaya pumunta kami sa HR ulit, habang kami ay naglalakad, nakasalubong namin si "denise laurel", nagulat na naman ako kasi nakita ko sya. maliit lang siya at maputi siya sa personal. nung nakadating kami sa HR department, napagalaman namin na nandun na nga ung medical certificate namin ni djoh. ayos! hehehe. pagkatapos ay naglakad ulit kami sa ELJ building para kunin yung x-ray, nakita namin si "janel jamer", curl ung buhok nya at maputi siya, sexy! hehehe. pagkakuha ng x-ray ay binalak namin na pumunta sa IT department, habang naglalakad ay nakita namin si "roxanne guinoo" maputi sya at may kulay ung buhok, nagpapapicture sya sa mga bata. at nung papunta na kami ng IT department, nakita namin si "mariel rodriguez" grabe, parang nakadamit lang sya, sobrang ikli ng suot, sexy kung baga. nung pumunta kami sa unang IT department, mali pala ito, ang sabi samin ay pumunta kami sa ELJ, at pumunta nga kami, at mali din pala to, pumunta daw muna kami sa HR. ano ba yan??? ang gulo nuh??? kaya ayun, umuwi na lang muna kami at nagdesisyon na ipagpatuloy bukas ang aming pakikipagsapalaran sa ABS-CBN...

anim na artista para sa araw na ito, sana ay madagdagan pa at sana makapagpapicture ako kasama nila. hahaha!!!