4/16/09

Makati Stories: Pupil Rocks Palm Towers!!!

Grabe talaga. Hindi pa din ako makapaniwala na makikita ko ang Pupil sa Palm Towers. Haha! Anyway, yung Pupil ay yung band ngayon ni Ely Buendia (frontman, guitarist) na former member ng Eraserheads. Kasama nya rin sa band si Yan Yuzon (lead guitarist) na kapatid ng frontman ng Spongecola na si Yael, si Dok Sergio (bassist) na kapatid naman ni Japs Sergio ng Rivermaya at saka si Wendell Garcia (drums) na dating member ng Barbie's Cradle.

So eto yung kwento, dapat matutulog na ako ng mga 11pm ng biglang nag-text yung barkada ko. Nasa Makati siya ngayon, tambay daw kami. So tumambay kami sa tapat ng Palm Towers. Kwentuhan at yosi lang kami. Tapos nakita din namin yung isa naming friend na nakatira sa Palm Towers so nakasama na din siya sa kwentuhan at pag-yoyosi.

Tapos mga around 1am, may bumaba sa tower B ng Palm Towers. Mga grupo ng tao na may mga dalang cameras at instruments. Sabi ko sa sarili ko, "siguro may session sila sa taas or may party sila or tumambay lang at mag-uuwian na.". Napansin namin ng mga kasama ko yung mga babae na kasama nila, maganda sila. Haha!!! Tapos nung pumunta sila sa may tapat namin, namukhaan ko yung lalaki na nag-gigitara, si Yan pala yun. At nakita ko din yung ibang members nung "Pupil". Tapos eto yung usapan namin nung mga kasama ko.

Ako: Tsong yung Pupil oh!
Friend 1: Sino yung mga yan?
Ako: Yung banda ngayon ni Ely Buendia kaya lang di ko pa siya nakikita.
Friend 2: Weh? Hindi nga?
Ako: Oo, Pupil yan. Baka photoshoot lang nila ngayon.

Tapos biglang may lalaki na nagsalita, "Ely, Ely". WTF?!?! Si Ely, kasama nila?!?! So, lumabas na si Ely, grabe nagulat ako. At eto yung sumunod na usapan namin.

Ako: Tsong si Ely Buendia oh!
Friend 1: Nasan?
Ako: Ayun oh! Yung nakajacket!
Friend 1: Sure ka si Ely yan?
Ako: Oo pare, si Ely yan. Kasama nya yung Pupil eh!
Friend 2: Baka naman kamukha lang ni Ely.
Ako: Si Ely talaga yan, magpapapicture ako mamaya sa kanya.
Friend 1: Sure ka talaga si Ely yan?
Ako: Oo nga pare, si Ely talaga yan. Papicture ako mamaya kay idol.
Friend 1: Sige ikaw mag-sabi sa kanya mamaya.

So after nung photoshoot ni Ely, lumapit ako sa kanya. At eto yung usapan namin.

Ako: Ahhh, Ely.. Pwede bang magpa-picture?
Ely: Ahhh sige, ikaw na yung susunod kay Yan.
Ako: Ay hindi yun. (patawa na sagot sabay tawag kay Friend 1 dahil siya yung mag-pipicture)
Ely: Taga-dito lang kayo?
Ako: Oo, taga-diyan lang kami. My photoshoot yung Pupil noh?
Ely: Actually, wala lang kami magawa. Trip trip lang 'to.
Ako: (tumawa ako) Sige salamat pare.
Ely: Ok sige.

At dun natapos yung usapan namin ni Ely. Kahit saglit lang yun, naka-usap ko naman si Ely. Haha! Tapos nagyosi at nag-kwentuhan na ulit kami ng mga kasama ko habang nanunuod sa photoshoot ng Pupil. Grabe talaga, di pa din ako makapaniwala, sa dinami-dami ng lugar sa metro manila, sa may palm towers pa sila nag-shoot. Unexpected talaga yun.. Hehe.. Sana next time maka-pagpapicture ako kay Raimund, Buddy at Marcus para kumpleto yung Eraserheads.

Peace :D

MRT Stories: san po ako sasakay?

Siguro naman halos lahat sa atin ay nakasakay na sa MRT. Yung tren na bumabaybay sa kahabaan ng Epifanio De Los Santos Avenue o mas kilala sa tawag na EDSA.

Malaking tulong ang MRT sa buhay ng mga commuters, lalo na pag nagmamadali ka or kung ayaw mo mag-bus. Pero may isang problema yung MRT sa mga taong tawagin na lang natin na "first timer".

May naencounter ako one time nung sumakay ako sa MRT. Nag-aabang ako ng MRT sa Taft Avenue station. May isang nag-aabang na MRT dun sa kabilang side pero ayoko sumakay dun kasi medyo madami na din yung mga tao sa loob. Tapos dumating na yung isa pang tren, habang papalapit na ito, may kumalabit naman na babae sa akin. Nagulat naman ako kasi biglang may kumalabit kasi mag-isa lang naman ako nun. Tapos nagtanong siya sa akin "San po yung sakayan papuntang Shaw? Dito po ba o sa kabila?" So ako naman, sinagot ko yung tanong nya "Kahit saan po, pwede po kayo sumakay. Pareho lang po yan pupunta ng Shaw."

Nakakalito naman talaga kasi isipin mo, may isang tren na nag-aabang at may isang tren na papadating. So yung tendency, yung nag-aabang, pwede isipin na ayun ung papunta sa "north". Tapos yung papadating na tren, pwede isipin na papuntang "south", kahit na last station na yung Taft Avenue kasi minsan, may mga tao dun sa tren papuntang Taft Avenue na hindi bumaba ng tren. Ayun yung mga tao na gusto makapag-relax sa MRT. Ayaw nila tumayo pauwi so sumasakay muna sila papuntang Taft Avenue so para pag pauwi na sila, naka-upo na nga naman sila. Hehe. So ayun, sana lang maging malinaw din yung mga sign boards sa MRT or magkaroon man lang ng mga reminders or notice para hindi malito yung mga "first timer" di ba?

peace :D

LRT Stories: text message para kay ate

Well, medyo late na din ako nagising kanina. Mga around 8:15am. So nagmadali talaga akong maligo kasi baka malate na naman ako.

Anyway, eto nga pala yung everyday routine ko sa pagpasok sa office. Maglalakad ako pamula sa condo hanggang sa Chino Roces, sakay ako ng jeep, baba ako sa Gil Puyat, sakay ako ng LRT, baba ako sa Pedro Gil, tapos lakad ulit hanggang dito sa office. Inaabot ako ng 30-45 minutes na travel time, medyo matagal din.

So ayun nga. Kanina nung nasa LRT ako, may nakasabay ako na girl. Maganda siya in fairness. Feeling ko parang sa massage parlor siya nagwowork dahil sa suot nya, yung nakikita natin usually na namimigay ng flyers at ineendorse yung spa/massage parlor nila. Tapos may kasama siya na guy, medyo matangkad naman ako sa guy kaya pwede ko siya ibully, hahaha! Joke lang. Ewan ko lang kung ano yung work nung guy kasi nakashirt lang siya at nakapants tapos may dalang backpack.

Tapos ayun nga, habang nasa biyahe ako papuntang office, nilabas nung guy yung cellphone nya at nagtext. E hindi ko naman sinasadya na makita ko yung tinetext nya kasi matangkad ako at saka malinaw din mata ko. Haha. Invasion of privacy sigurong matatawag yun pero wala naman ako intention na mag-invade. Kasalanan ko ba na mabasa ko yung tinetext mo? Di naman siguro di ba? Anyway, eto yung nakalagay sa text, "Ate favor naman! Wag mo nman ipgkalat na ngka gf aq. Bka kc di ako sgutin ni 'gurl'." (gurl na lang yung nilagay ko, baka kasi may makakita ng entry na to na related sa knila di ba? hehe)

So sa loob-loob ko, naisip ko na baka si 'gurl' yung kasama nung guy na nagtext. Kasi medyo sweet naman sila sa LRT kanina. Nagbubulungan sila tapos hinahawakan pa nung guy yung mukha nung girl na feeling ko si 'gurl'. Pero ang tanong ko sa sarili ko, bakit naman tinext ng guy yung ate nya ng ganun? I mean, bakit naman di siya sasagutin ni 'gurl' pag nalaman nya na nagkaGF na siya? Anong meron di ba? Well, yung theory ko lang is, baka naman sinabi ni guy na SSB (single since birth) siya at gusto nya maging first GF si 'gurl'. Ayun yung nakikita ko kasi kung mahal mo naman talaga yung tao, ok lang kahit nakailang BF/GF na siya di ba? Ayun lang yung tingin ko. Kayo, ano sa palagay nyo?

peace :D

8/27/08

GAFAGJATA update..

last august 16, nakasama ko ulit yung high school barkada ko.. boys night out and grabe, sobrang ok talaga xa.. maraming nangyari, mostly happy moments.. haha :D right richmond? anyway, eto nga pala yung update tungkol sa barkada.. check nyo na lang kung tama ah..

enzo - medical representative sa isang kilala na company.. pahingi naman ng gamot :D

gian - accounting supervisor sa isang kilala na company na pagmamay-ari ng isang pamilya.. pastarbucks ka naman :D

mark - junior economist sa isang real estate company na located sa makati.. salamat sa mga libre :D wag ka muna mag-resign tsong..

jundel - branch manager ng isang oil company.. pahingi naman ng gas :D

joel - president ng isang org sa UPLB.. manlibre ka naman, dami mo pa pera sa box office mo ih.. :D hehe

lean - nasa DLSU, nag-aaral.. busy sa org, haha.. at member ng isang banda.. sana wag ka makalimot pag sikat ka na.. :D

aj - nasa perpetual biñan.. nag-aaral.. marunong na siya mag-laro ng DotA.. naglalaro pa din siya ng tennis.. magpakita ka naman sa barkada tsong!

james - nasa perpetual biñan din.. nag-aaral ng nursing.. naglalaro pa din ng DotA.. tsong mag-share ka.. haha :D

seth - nasa san beda.. nag-aaral ng medicine.. future doctor :D hehe..

mua - nasa letran calamba, nag-aaral and captain ng volleyball varsity team.. tsong magparamdam ka din :D

carlo - naghahanda para sa nursing board exam sa november.. tsong good luck!

manelon - registered nurse na at naglalaro pa din ng ragnarok.. tsong, salamat sa libre :D

richmond - registered nurse na din.. tsong.. yun lang.. haha :D

alain - programmer sa isang IT company :D

7/9/08

Romantic Acronyms (local and foreign)

A while ago, my friend lois forwarded some romantic acronyms at grabe nakaka-aliw talaga.. Maybe yung iba sa inyo, alam na yung mga acronyms na 'to.. Pero gusto ko siya ishare sa lahat.. hehe.. thanks lois  hahaha :D

H.O.L.L.A.N.D
Hope Our Love Lasts And Never Dies.

I.T.A.L.Y.
I Trust And Love You.

L.I.B.Y.A.
Love Is Beautiful; You Also.

F.R.A.N.C.E.
Friendships Remain And Never Can End.

C.H.I.N.A.
Come Here.. I Need Affection.

B.U.R.M.A.
Between Us, Remember Me Always.

I.N.D.I.A.
I Nearly Died In Adoration.

K.E.N.Y.A.
Keep Everything Nice, Yet Arousing.

C.A.N.A.D.A.
Cute And Naughty Action that Developed into Attraction

K.O.R.E.A.
Keep Optimistic Regardless of Every Adversity.

E.G.Y.P.T.
Everything's Great, You Pretty Thing!

R.U.S.S.I.A.
Romance Under the Sky & Stars is Intimate Always.

M.A.N.I.L.A.
May All Nights Inspire Love Always.

B.A.L.I.W.A.G.
Beauty And Love I Will Always Give.

I.M.U.S.
I Miss U, Sweetheart.

P.A.S.I.G.
Please Always Say I'm Gorgeous.

C.E.B.U.
Change Everything... But Us.

P.E.R.U.
Porget Everyone... Remember Us.

P.A.R.A.N.A.Q.U.E.
Please Always Remain Adorable, Nice And Quiet Under Ecstacy.

T.O.N.D.O.
Tonight's Our Night, Dearest One.

P.A.S.A.Y.
Pretty And Sexy Are You.

Y.E.M.E.N.
'Yugyugan Every Morning, Every Night.

M.A.R.L.B.O.R.O.
Men Always Remember Love Because Of Romance Only.

J.A.P.A.N
Jump And Play All Night.

P.H.I.L.I.P.P.I.N.E.S.
Pumping Hot.. I Love It! Please Please.. I Need Erotic Stimulation!

M.A.L.A.B.O.N.
May A Lasting Affair Be Ours Now.


kayo, ano pa yung mga romantic acronyms na alam nyo??? hehehe...

peace!!! :D

7/7/08

Different Kinds of Strengths

Few weeks ago, me and my friend are discussing about the different strengths of guys. Lumabas lang yung topic na 'to kasi we are just thinking of our other barkadas and realize what makes them chick magnets.. hahaha.. Of course you got to have something in order to impress a girl and make her fall for you.. So here it is, the strengths and the corresponding definition, according to me.. hehe :D

mr. good looks - from the name itself, may itsura ka na nakakapagpalaglag ng puso.. hahaha.. xa ung unang napapansin ng mga girls pg my nakita or nakasalubong xa na group of guys..

mr. nice guy - isang napakabait na tao, kahit kanino, mabait xa.. walang pinipili.. kahit na inaapi na xa ng mga tao or ginagawang laughing stock, ok lang.. andun pa din ung pagiging mr. nice guy..

mr. know me more - eto yung tipo ng tao na kailangan makasama mo ng matagal para mainlove ka sa kanya.. once na nakasama mo na xa ng matagal, you will realize na kakaiba talaga xa..

mr. cool guy - usually, eto ung mga model type.. i mean, may dating talaga.. kaya nila dalhin ung sarili nila in terms of pagporma and pagdiskarte sa mga girls..

mr. smooth talk - eto ung mga guys na magaling makipag-usap sa mga tao.. mahilig makipagsocialize at nakukuha ung loob ng mga girls sa pamamagitan lang ng pakikipag-usap..

mr. kenkoy - eto ung funny guys talaga.. i mean, they really don't care of what other people thinks about him.. basta gagawin nya ung mga bagay na gusto nya (usually mga baduy or kenkoy stuff) and girls really dig dis this kind of guys..

mr. bad boy - eto ung mga nakikita natin sa mga movies or tv shows.. haha.. eto ung mga usually na madaming girls (playboy to be exact).. iba din kasi ung charisma nila sa mga girls, kahit bad boy, ok pa din sa mga girls..

mr. gentleman - eto ung mga knight in shining armor.. haha.. i mean, sila ung mga old school guys talaga.. yung tipong ipagbubukas nila ng pinto ung girls, iaassist sila sa mga bagay-bagay, tumutulong sa mga nakakatanda, at kung anu-ano pang good deeds na makakapagdefine ng isang gentleman..

mr. sweetness - eto ung mga guys na sobrang sweet talaga.. para bang lahat ng gawin nila, sweet talaga.. nature lang talaga ni mr. sweetness yung ganun.. parang pinanganak xa na maging ganun..

mr. do-it-all - eto yung mga guys na ginagawa talaga ang lahat.. i mean, name it and he will do it.. at dahil dito, eventually mapapansin din xa ng mga girls.. hehehe..

mr. know-it-all - eto yung mga smart guys talaga.. i mean sila ung mga matatalino na guys na madaming alam talaga.. everything under the sun, alam nya na ata..

mr. agressive - eto yung mga guys na pag nagustuhan, gagawa agad ng move.. hindi ito nagpapatalo, gagawin nya ung mga bagay na makakapagpaimpress sa gusto nya..

mr. rich guy - eto yung mga mayayaman na guys.. i mean madami silang pang-gastos talaga.. haha.. kahit ano, pwede nila mabili at maibigay sa mga girls nila..

and pwede mo sila ipagcombine.. haha.. and usually, mga 2 to 4 ung traits na pwede mo icombine jan.. ayun lang, alam ko may mga nakalimutan ko, try ko na lang ilagay pag natandaan ko..

peace!!! :d

7/3/08

3 restaurants, 3 orders, 1 goal...

parang invaaaaaaayyyyyyssssyyyyyooooonnnnnn!!! haha.. :D anayway, going back.. bakit ganun ung mga tao sa mga restaurants? i mean, minsan kasi nagiging makakalimutin sila.. siguro dala na din ng pagod at puyat sa trabaho.. naiintindihan ko naman sila kasi lahat naman tayo, tao lang.. last june 29, nasa tagaytay ako together with erika and che.. as usual, malamig sa tagaytay.. hehe.. then pumunta kami sa isang resto dun.. bale madami din kami inorder to, sarap ng food!!! hehe.. tapos yung isang waiter, kinuha ung order namin and take note, di nya sinulat ung order namin, sinaulo lang nya.. hehehe.. ok na sana ih, kaya lang sablay.. dumating ung pizza, pasta, panna cotta, and ung drinks, pero ung soft taco ko, hindi dumating.. so pinafollow up ko pa siya.. nakalimutan pala ung soft taco na order kaya nghintay pa kami.. kaya dapat, ilista ang order para di makalimutan..

after that, pumunta kami sa starbucks!!! yey!!! fave hang out place ko sa tagaytay.. sarap tlg mag-chill dun.. binili ko ung 2nd fave drink ko dun, ang strawberries and cream!!! yum yum!!!

after the starbucks galore, pumunta ulit kami sa isang resto na my chinese motif, parang ganun.. ok na din sana, nilista naman ung order namin, pero sa tissue lang.. haha.. nakakatawa tlg un, wala ba silang paper para sa order or something man lang? mas malala to kasi nilista na yun order ko (siomai siya), pero nakalimutan pa din.. kaya siguro nakalimutan kasi nag-eenjoy dun sa old school music na pineperform nung band..

and lastly, sa makati naman.. june 30 na to.. kumain ako ng breakfast sa isang goto joint near my place.. umorder ako ng goto special, fave ko din un.. haha.. at ayun, iseserve na lang daw.. dumating ung order ko, wow ang sarap naman!!! pero may kulang??? nasan ung chicharon??? waaaaaaaa!!! so sinabi ko "miss, bakit walang chicharon yung goto special ko???" sabi nya "ay sorry po sir, nakalimutan ko ung chicharon".. sabay kuha ng chicharon at bigay sa akin..

grabe talaga.. di ko ineexpect na mararanasan ko un in a span of 24hours.. pero ok lang.. naiintindihan ko naman kasi tao lang tayo.. :D

peace!!!