4/16/09

Makati Stories: Pupil Rocks Palm Towers!!!

Grabe talaga. Hindi pa din ako makapaniwala na makikita ko ang Pupil sa Palm Towers. Haha! Anyway, yung Pupil ay yung band ngayon ni Ely Buendia (frontman, guitarist) na former member ng Eraserheads. Kasama nya rin sa band si Yan Yuzon (lead guitarist) na kapatid ng frontman ng Spongecola na si Yael, si Dok Sergio (bassist) na kapatid naman ni Japs Sergio ng Rivermaya at saka si Wendell Garcia (drums) na dating member ng Barbie's Cradle.

So eto yung kwento, dapat matutulog na ako ng mga 11pm ng biglang nag-text yung barkada ko. Nasa Makati siya ngayon, tambay daw kami. So tumambay kami sa tapat ng Palm Towers. Kwentuhan at yosi lang kami. Tapos nakita din namin yung isa naming friend na nakatira sa Palm Towers so nakasama na din siya sa kwentuhan at pag-yoyosi.

Tapos mga around 1am, may bumaba sa tower B ng Palm Towers. Mga grupo ng tao na may mga dalang cameras at instruments. Sabi ko sa sarili ko, "siguro may session sila sa taas or may party sila or tumambay lang at mag-uuwian na.". Napansin namin ng mga kasama ko yung mga babae na kasama nila, maganda sila. Haha!!! Tapos nung pumunta sila sa may tapat namin, namukhaan ko yung lalaki na nag-gigitara, si Yan pala yun. At nakita ko din yung ibang members nung "Pupil". Tapos eto yung usapan namin nung mga kasama ko.

Ako: Tsong yung Pupil oh!
Friend 1: Sino yung mga yan?
Ako: Yung banda ngayon ni Ely Buendia kaya lang di ko pa siya nakikita.
Friend 2: Weh? Hindi nga?
Ako: Oo, Pupil yan. Baka photoshoot lang nila ngayon.

Tapos biglang may lalaki na nagsalita, "Ely, Ely". WTF?!?! Si Ely, kasama nila?!?! So, lumabas na si Ely, grabe nagulat ako. At eto yung sumunod na usapan namin.

Ako: Tsong si Ely Buendia oh!
Friend 1: Nasan?
Ako: Ayun oh! Yung nakajacket!
Friend 1: Sure ka si Ely yan?
Ako: Oo pare, si Ely yan. Kasama nya yung Pupil eh!
Friend 2: Baka naman kamukha lang ni Ely.
Ako: Si Ely talaga yan, magpapapicture ako mamaya sa kanya.
Friend 1: Sure ka talaga si Ely yan?
Ako: Oo nga pare, si Ely talaga yan. Papicture ako mamaya kay idol.
Friend 1: Sige ikaw mag-sabi sa kanya mamaya.

So after nung photoshoot ni Ely, lumapit ako sa kanya. At eto yung usapan namin.

Ako: Ahhh, Ely.. Pwede bang magpa-picture?
Ely: Ahhh sige, ikaw na yung susunod kay Yan.
Ako: Ay hindi yun. (patawa na sagot sabay tawag kay Friend 1 dahil siya yung mag-pipicture)
Ely: Taga-dito lang kayo?
Ako: Oo, taga-diyan lang kami. My photoshoot yung Pupil noh?
Ely: Actually, wala lang kami magawa. Trip trip lang 'to.
Ako: (tumawa ako) Sige salamat pare.
Ely: Ok sige.

At dun natapos yung usapan namin ni Ely. Kahit saglit lang yun, naka-usap ko naman si Ely. Haha! Tapos nagyosi at nag-kwentuhan na ulit kami ng mga kasama ko habang nanunuod sa photoshoot ng Pupil. Grabe talaga, di pa din ako makapaniwala, sa dinami-dami ng lugar sa metro manila, sa may palm towers pa sila nag-shoot. Unexpected talaga yun.. Hehe.. Sana next time maka-pagpapicture ako kay Raimund, Buddy at Marcus para kumpleto yung Eraserheads.

Peace :D

MRT Stories: san po ako sasakay?

Siguro naman halos lahat sa atin ay nakasakay na sa MRT. Yung tren na bumabaybay sa kahabaan ng Epifanio De Los Santos Avenue o mas kilala sa tawag na EDSA.

Malaking tulong ang MRT sa buhay ng mga commuters, lalo na pag nagmamadali ka or kung ayaw mo mag-bus. Pero may isang problema yung MRT sa mga taong tawagin na lang natin na "first timer".

May naencounter ako one time nung sumakay ako sa MRT. Nag-aabang ako ng MRT sa Taft Avenue station. May isang nag-aabang na MRT dun sa kabilang side pero ayoko sumakay dun kasi medyo madami na din yung mga tao sa loob. Tapos dumating na yung isa pang tren, habang papalapit na ito, may kumalabit naman na babae sa akin. Nagulat naman ako kasi biglang may kumalabit kasi mag-isa lang naman ako nun. Tapos nagtanong siya sa akin "San po yung sakayan papuntang Shaw? Dito po ba o sa kabila?" So ako naman, sinagot ko yung tanong nya "Kahit saan po, pwede po kayo sumakay. Pareho lang po yan pupunta ng Shaw."

Nakakalito naman talaga kasi isipin mo, may isang tren na nag-aabang at may isang tren na papadating. So yung tendency, yung nag-aabang, pwede isipin na ayun ung papunta sa "north". Tapos yung papadating na tren, pwede isipin na papuntang "south", kahit na last station na yung Taft Avenue kasi minsan, may mga tao dun sa tren papuntang Taft Avenue na hindi bumaba ng tren. Ayun yung mga tao na gusto makapag-relax sa MRT. Ayaw nila tumayo pauwi so sumasakay muna sila papuntang Taft Avenue so para pag pauwi na sila, naka-upo na nga naman sila. Hehe. So ayun, sana lang maging malinaw din yung mga sign boards sa MRT or magkaroon man lang ng mga reminders or notice para hindi malito yung mga "first timer" di ba?

peace :D

LRT Stories: text message para kay ate

Well, medyo late na din ako nagising kanina. Mga around 8:15am. So nagmadali talaga akong maligo kasi baka malate na naman ako.

Anyway, eto nga pala yung everyday routine ko sa pagpasok sa office. Maglalakad ako pamula sa condo hanggang sa Chino Roces, sakay ako ng jeep, baba ako sa Gil Puyat, sakay ako ng LRT, baba ako sa Pedro Gil, tapos lakad ulit hanggang dito sa office. Inaabot ako ng 30-45 minutes na travel time, medyo matagal din.

So ayun nga. Kanina nung nasa LRT ako, may nakasabay ako na girl. Maganda siya in fairness. Feeling ko parang sa massage parlor siya nagwowork dahil sa suot nya, yung nakikita natin usually na namimigay ng flyers at ineendorse yung spa/massage parlor nila. Tapos may kasama siya na guy, medyo matangkad naman ako sa guy kaya pwede ko siya ibully, hahaha! Joke lang. Ewan ko lang kung ano yung work nung guy kasi nakashirt lang siya at nakapants tapos may dalang backpack.

Tapos ayun nga, habang nasa biyahe ako papuntang office, nilabas nung guy yung cellphone nya at nagtext. E hindi ko naman sinasadya na makita ko yung tinetext nya kasi matangkad ako at saka malinaw din mata ko. Haha. Invasion of privacy sigurong matatawag yun pero wala naman ako intention na mag-invade. Kasalanan ko ba na mabasa ko yung tinetext mo? Di naman siguro di ba? Anyway, eto yung nakalagay sa text, "Ate favor naman! Wag mo nman ipgkalat na ngka gf aq. Bka kc di ako sgutin ni 'gurl'." (gurl na lang yung nilagay ko, baka kasi may makakita ng entry na to na related sa knila di ba? hehe)

So sa loob-loob ko, naisip ko na baka si 'gurl' yung kasama nung guy na nagtext. Kasi medyo sweet naman sila sa LRT kanina. Nagbubulungan sila tapos hinahawakan pa nung guy yung mukha nung girl na feeling ko si 'gurl'. Pero ang tanong ko sa sarili ko, bakit naman tinext ng guy yung ate nya ng ganun? I mean, bakit naman di siya sasagutin ni 'gurl' pag nalaman nya na nagkaGF na siya? Anong meron di ba? Well, yung theory ko lang is, baka naman sinabi ni guy na SSB (single since birth) siya at gusto nya maging first GF si 'gurl'. Ayun yung nakikita ko kasi kung mahal mo naman talaga yung tao, ok lang kahit nakailang BF/GF na siya di ba? Ayun lang yung tingin ko. Kayo, ano sa palagay nyo?

peace :D